Thursday, August 28, 2014

Kasalang Dingdong-Marian at Chiz-Heart, pinagkukumpara

NAPANOOD nang marami sa mismong show ni Marian Rivera ang wedding proposal para sa kanya ni Dingdong Dantes, at nasundan pa ito ng TV coverage sa ipinatawag na presscon ng Kapuso network para pag-usapan ang royal wedding na gagawin ng dalawa sa darating na December 30, 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao, Quezon City kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.


Hindi kaya bumangon si Jose Rizal at pakiusapan ang dalawa na huwag namang itaon sa kanyang death anniversary ang kasal ng mga ito? Nakalilimutan na nga siya dahil ang lahat ng tao ay nakatuon sa New Year celebration, ngayon sasapawan pa siya ng mga artistang ito?


Anyway, iisa lang ang nakikita ng lahat sa preparasyong ito nina Marian at Dingdong, masyadong publicized, commercialized dahil pagkakakitaan pa ito. Kaya naman hindi maiwasang maikumpara ito kina Heart Evangelista at Chiz Escudero. Sila raw dapat ang magkaroon ng royal wedding dahil isang senador ang ikakasal. Isa itong importanteng tao ng estado.


Pero malayong-malayo raw kina Rivera at Dantes ang ginawa ng dalawa. Sa isang rural area sa Sorsogon nangyari ang paghingi ng kamay ni Sen. Chiz kay Heart at hindi sa malaking network ito napanood (baka pick-up-in din ito ng iba’t ibang talk show para mailabas nila sa telebisyon) kundi sa Youtube lamang. In-upload ito ng isa sa mga kaibigan ng magsing-irog. At balitang sa isang isla, isang remote area magaganap ang kasalan.


Hindi ba’t ang layo ng comparison?


Sa palagay ninyo kaninong kasalan ang mararamdaman ng tao, at masasabing bukal sa puso ang pagpapakasal at walang gamitang mangyayari at kayabangang ipakikita? At higit sa lahat, sino ang magtatagal ang pagsasama?


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/Abe Paulite


.. Continue: Remate.ph (source)



Kasalang Dingdong-Marian at Chiz-Heart, pinagkukumpara


No comments:

Post a Comment