Thursday, August 28, 2014

Kelot utas sa pamamaril sa Payatas

TIGBAK ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Quezon City, kaninang madaling-araw, Agosto 28, Huwebes.


Kinilala ang biktima na si Enrico Mondia, 27, binata ng 68 San Miguel St., Payatas B, Bgy. Payatas, QC.


Blanko naman ang otoridad sa pagkakakilanlan ng salarin dahil wala umanong nakakita sa nasabing pangyayari.


Ayon sa ulat ni PO3 Anthony Tejerero ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente sa kahabaan ng Payatas Rd., Bgy. Payatas, dakong 1::30 ng madaling-araw.


Nabatid sa ilang residente na nakarinig na lamang sila ng mga putok ng baril at nang kanilang tingnan ay doon nila nakita ang patay nang biktima.


Agad ipinagbigay-alam ang insidente sa barangay tanod na si Joey Albiva na agad naman itinawag sa himpilan ng Quezon City Police.


Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang biktima mula sa kalibre 9mm na baril, base sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot utas sa pamamaril sa Payatas


No comments:

Post a Comment