Thursday, August 28, 2014

BBL maisusulong na sa Kongreso — PNoy

TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III na maisusulong o maihahain na sa lalong madaling panahon sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).


Sa katunayan ay matatapos na nitong rebisahin ang draft version ng BBL.


“Mukhang maisusulong na natin o maihahain na sa Kongreso sa mga — sana ano, sana sa lalong madaling panahon iyong isang panukalang batas na sinasangayunan ng lahat ng stakeholders,” ayon sa Pangulong Aquino.


Sinabi pa rin niya na walang pinagtatalunan sa mga batayang prinsipyo sa bagay na ito.


“Ngayon, may kasabihan ulit ang mga Amerikano: the devil daw is in the details; at walang pinagtatalunan doon sa mga batayang prinsipyo. At ngayon iyong paglilipat ‘nung batayang prinsipyong iyon doon sa mga specifications sa batas, iyon medyo nagkaroon ng konting mas matinding negosasyon,” aniya pa rin.


Sa kabilang dako, may meeting bukas si Pangulong Aquino at ang BBL Transition Commission upang masusing pag-aralan ang bawat seksyon at bahagi ng BBL.


“Dahil hinahabol nga natin isang panukalang batas na maibibigay sa ating mga kapatid sa Bangsamoro iyong kanilang inaasam-asam at binibigyan din naman ng kapanatagan ng loob iyong mga kapitbahay nila na — sa maapektuhan nitong batas na ito,” ani Pangulong Aquino. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



BBL maisusulong na sa Kongreso — PNoy


No comments:

Post a Comment