Wednesday, August 27, 2014

2 empleyado nabiktima ng “ipit taxi”

NABIKTIMA ng “ipit taxi gang” ang dalawang empleyado matapos holdapin ng tatlong suspek na kasabwat ang driver ng taxi sa Brgy. Culiat, Quezon City kagabi, Agosto 27, Miyerkules.


Nagreklamo sa presinto ang mga biktima na sina Renato Ramos, 30, may-asawa at Grizielle Ramos, 27, empleyado, kapwa ng Antipolo, Rizal.


Ayon kay PO3 Edwin Dela Cruz ng Quezon City Police District Station 3-Talipapa, naganap ang insidente sa kahabaan ng Congressional Ext., Brgy. Culiat, QC dakong 8:00 kagabi.


Kagagaling lamang umano ng mga biktima sa trabaho at pauwi na nang pumara ng taxi sa Visayas Avenue, Brgy. Vasra, na isang Wise taxi.


Pagsakay ng mga biktima sa taxi, bigla na lamang sumulpot ang dalawang suspek na armado ng baril saka tinutukan ng baril ang dalawa at kinuha ang kanilang P8,000 cash, dalawang cellphone kabilang ang I-Pod at iba pang gamit.


Matapos makulimbat ang mga gamit ng mga biktima, tumakas ang mga suspek at ibinaba sila sa naturang lugar.


Tumakas ang mga suspek sakay ng naturang taxi na hindi naplakahan. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



2 empleyado nabiktima ng “ipit taxi”


No comments:

Post a Comment