Wednesday, August 27, 2014

Fertilizer scam case vs Bolante et al, ibabasura

POSIBLENG maibasura lamang ang isinampang kasong fertilizer scam laban kay Usec. Jocelyn “Jocjoc” Bolante at iba pa.


Dahil dito, binigyan ng Sandiganbayan ng 60-araw ang Ombudsman na magsumite ng karagdagang ebidensya laban sa mga responsable kaugnay ng kontrobersyal na P728-million na fertilizer fund scam.


Ito’y dahil walang nakitang probable cause ang Sandiganbayan sa inihain na reklamong pandarambong laban kina dating Agriculture Secretary Chito Lorenzo, Usec. Jocelyn “Jocjoc” Bolante at maraming iba pa.


Ang kontrobersyal na fertilizer fund scam ay sinasabing inilihis ang halagang P728-million na fertilizer funds sa pangangampanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential elections.


Magugunitang noong Mayo 2 ay ibinasura rin ng Ombudsman ang kasong graft laban kay dating Pangulong Arroyo kaugnay ng fertilizer fund scam.


Naging kontrobersyal ang isyu sa scam nang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado noong 13th at 14th Congress na naging sentro sa imbestigasyon si Bolante at mula sa pagtatago sa America ay napauwi ito ng bansa at pinaharap sa Senado noong 2008.


Sa imbestigasyon ng Senado, iginiit ni Bolante na walang anomalya sa programa at nilinis nito ang pangalan ni dating Pangulong Arroyo. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Fertilizer scam case vs Bolante et al, ibabasura


No comments:

Post a Comment