Wednesday, August 27, 2014

Miriam pagaling na, tatakbo sa pagka-pangulo

IPINAHAYAG ngayon ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na unti-unti nang gumagaling ang kanyang stage 4 lung cancer.


Dahil dito, lumakas ang loob ni Santiago na tumakbo bilang pangulo sa 2016 elections matapos marinig ang suporta ng kilalang constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas.


Ayon kay Santiago, sakaling matuloy ang kanyang pagtakbo bilang pangulo ay kailangan niyang makipag-alyansa sa partido ni Pangulong Noynoy Aquino na Liberal Party (LP) o kaya ay sa Nacionalista Party (NP) ni dating Sen. Manny Villar.


Masayang ibinalita ni Santiago na unti-unti nang gumagaling ang kanyang sakit sa baga.


Pabiro pa nitong sinabi ni nagwawagayway na ng puting bandera ang mga cancer cells niya sa katawan at unti-unti nang sumusuko.


Si Santiago ay kasalukuyang naka-sick-leave bilang senador dahil sa kanyang karamdaman at nagbitiw na rin bilang judge ng International Criminal Court. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Miriam pagaling na, tatakbo sa pagka-pangulo


No comments:

Post a Comment