Wednesday, August 27, 2014

Pag-ulan at pagbaha, asahan sa Metro Manila

MAKARARANAS pa ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa papalapit na low pressure area (LPA) na magdudulot ng pagbaha ngayong araw.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Gener Quitlong, dahil aniya sa namumuong kaulapan ng LPA, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Central Luzon, Cagayan Valley, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA, Western at Central Visayas at maging sa Zamboanga Peninsula.


Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 500 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Sa ngayon, hindi pa nakikitang magiging bagyo ito ngunit posibleng pagdako sa West PH Sea, doon na ito lalakas at magiging tropical depression.


Pero habang lumalapit pa ito sa bansa, antabayanan pa rin ang pag-ulan na maaaring lumakas pa kung sasamahan ng thunderstorm. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-ulan at pagbaha, asahan sa Metro Manila


No comments:

Post a Comment