Thursday, August 28, 2014

Bugaw na nakatransaksyon ni Mr. Benny Antiporda, sinentensyahan na

APAT na taong pagkakakulong ang sentensya laban sa isang lalaki makaraang mapatunayan ng korte ang ginagawa nitong pambubugaw sa dalawang menor-de-edad kung saan tinangka pa nitong ialok ang mga ito sa isang opisyal ng National Press Club (NPC), kilalang journalist at publisher na si Mr. Benny Antiporda noong taon 2011.


Batay sa inilabas na desisyon ni Judge Silverio Castillo ng Manila City Regional Trial Court (RTC) Branch 48, guilty beyond reasonable doubt sa kasong kinakaharap nito na Felony of Corruption of Minors ang suspek na si Zedrick Zaragosa, na may alyas “Jeylack Monte Carlos” at “Cleo”.


Sa rekord ng korte, tinangka umanong ialok ni Zaragosa ang dalawang menor-de-edad na itinago sa pangalang “Christina”, 17, at “Rica Joy”, 14, kay Antiporda noong June 21, 2011 kapalit ng halagang P2,500 bawat isa.


Nauna rito, nagpadala umano ng mensahe ang suspek sa cellphone at facebook ni Antiporda kung saan nakipagtransaksyon ang suspek kay Antiporda at inalok niya dito ang dalawang menor-de-edad na makipagtalik kapalit ng malaking halaga.


Nagkasundo sina Antiporda at si Zaragosa na magkita sa Aristocrat Restaurant, Roxas Blvd. sa Maynila kasama ang dalawang menor-de-edad.


Lingid sa kaalaman ng suspek, ipinagbigay-alam ni Antiporda sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Manila ang pakikipagtransaksyon nito sa suspek kaya’t pinagplanuhan agad ang entrapment operation laban dito.


Nang magkita sina Antiporda at Zaragosa sa loob ng naturang kainan, iprinisinta ng suspek ang dalawang dalagita hanggang sa iabot na ng una ang P5,000 “marked money” sa suspek.


Dahil dito, agad na dinakma at pinosasan ng mga tauhan ng CIDG ang suspek habang hawak pa ang marked money at tuluyang nailigtas ang mga menor-de-edad sa pambubugaw nito. Jay Reyes


.. Continue: Remate.ph (source)



Bugaw na nakatransaksyon ni Mr. Benny Antiporda, sinentensyahan na


No comments:

Post a Comment