Thursday, August 28, 2014

UPDATE: Killers ni Enzo Pastor, nakasuhan na

HUMARAP kahapon sa Department of Justice (DoJ) ang dalawang naarestong suspek sa pagpatay sa car racing champion na si Enzo Pastor.


Isinampa kahapon sa DoJ ang kasong murder at frustrated murder laban kina PO2 Edgar Angel at negosyanteng si Sandy de Guzman.


Ang dalawa ay isinalang din sa inquest proceedings para sa hiwalay na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms.


Magugunita na inamin ni Angel na nakatanggap siya ng P100,000 mula sa kumpareng negosyante na si De Guzman III para sa pagpatay sa car racer.


Bukod sa dalawa, kinasuhan na rin ng parricide at frustated murder ang misis ni Pastor na si Dalia na umano’y karelasyon ni De Guzman, bagama’t pinaghahanap pa. Teresa Tavares


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Killers ni Enzo Pastor, nakasuhan na


No comments:

Post a Comment