Thursday, August 28, 2014

Mga maimpluwensyang tao, inilarawan ni PNoy

INILARAWAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kilalang personalidad, koponan at usapin na tinitingala, maimpluwensiya at iniidolo ng mga Pinoy.


Unang inilarawan ni Pangulong Aquino si Pope Francis na para kay Pangulong Aquino ay kumakatawan sa “hope at inspiration”.


“Baka naman sabihin dahil trinain rin ako ng mga Jesuita (Jesuit) kaya idol ko siya, ano. Pero ‘yung gusto nating makitang buhay na simbahan ay talagang isinasabuhay niyang simbahang nakatutok ‘dun sa pangangailangan ng kanyang mga kasapi. Hindi… Para bang walang pakialam sa nangyayari, at ‘yan ay talagang dinemostrate (demonstrate) ni Pope Francis in so many instances kaya talagang very inspiring, nagge-generate ng intense hope na mare-birth ‘yung Catholic Church,” ayon kay Pangulong Aquino.


“Magkasalungat” naman kung ilalarawan niya ang kanyang kapwa politiko na si Senador Bongbong Marcos.


At para naman sa mga opisyal na sina Senador Juan Ponce Enrile, Senador Estrada, Senador Revilla na binansagan ng kanyang mga boss na “Pork Kings” ay sinabi ni Pangulong Aquino na si Enrile ay isang “Gentleman of the Old School” habang sina Estrada at Revilla naman ay “garantiya sa kanilang karapatan”.


“Hindi naman angkop yata na isa for all. Syempre, Senator Enrile, hindi ko masabing nag-away kami, lalo ‘nung panahon na Senate President siya — Gentleman of the Old School. Doon sa dalawa naman nabanggit mo ay siguro what comes to mind, we will guarantee the rights. We will guarantee that their righst are observed,” ayon sa Punong Ehekutibo.


May mga araw naman na naaawa siya sa boxing legend, third-term Congressman, movie star, pop singer at professional basketball coach na si Manny “Pacman” Pacquiao dahil sa magkakasalungat na payo na kanyang natatanggap at hinaharap.


Batid aniya niya na nako-confuse si Pacman sa mga payong dumarating sa kanya kaya dapat na maging maingat siya sa pagtanggap ng mga payo mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.


“Well, siguro, kay Manny. May mga araw na naaawa ako sa kanya sa dami ng payo niyang magkasalungat na kailangang harapin baka naco-confuse na rin ‘yung tao kung sino bang dapat kausapin; kung sino ba ang dapat pakinggan. Pero sana ‘yung talagang nasa edad na siya na ma-discern niya kung sino ba talagang nagbibigay ng tamang payo sa kanya,” ani Pangulong Aquino.


Diretso namang sinabi ni Pangulong Aquino na matatagalan pa si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ayusin ang buong hudikatura.


“Mabigat ang tungkulin. Maliwanag na matatagalan siya bilang—matagal ang kanyang pagbubuhat ‘nung responsibilidad na ayusin ‘yung buong Hudikatura,” aniya pa rin.


At sa patok na patok ngayon sa social media, ang tinatawag na ice bucket challenge ay nakiusap ang Pangulong Aquino na huwag nang pag-usapan at kapag ipinilit aniya ay boluntaryo gagawin ito ni Usec. Rey Marfil.


Tumanggi ito sa ice bucket challenge dahil siya ay may sipon.


Samantala, matapos ang 40-taon ay balik sa FIBA world ang bansa sa pamamagitan ng Gilas Pilipinas at sinabi ng Punong Ehekutibo na ito na aniya ang magandang pagkakataon para ipakita ang talento ng mga Pilipino lalo na ang ugaling hindi madaling sumuko ang isang Pinoy.


“Yung puso, ‘yung ambisyon, at ‘yung pagsusumikap tungo doon sa ambisyon na ‘yon. Baka hindi binibigay sa atin ‘yung… Hindi, ‘di ba, fed with the silver spoon. Hindi. Talagang pinagsumikapan natin at ‘yon sana makita natin sa performance ng Gilas,” ang pahayag ng Chief Executive. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga maimpluwensyang tao, inilarawan ni PNoy


No comments:

Post a Comment