ANG pag-iyak ni Kris Aquino sa telebisyon tuwing makakahiwalay niya ang kanyang mga karelasyon ay entertaining sa kanyang mga follower, pero entertaining din kaya ito kay kuyang Pangulong Noynoy?
Tuluyan nang nakipaghiwalay si Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa syota niyang si Kris na maga sa kaiiyak tuwing nakakahiwalay niya ang kanyang mga karelasyon.
Babawian kaya ni Noynoy si Bistek?
Hindi kaya masasaktan si Noynoy sa paglaglag ni Bistek kay Kris na bunsong kapatid ng ating mahal na Pangulo?
Marami ang kinakabahan.
Baka raw makasuhan pa siya ng pandarambong at mapasama pa sa listahan ng mga pork barrel scammer.
Posible ‘yan dahil si Bistek ay isang lingkod bayan na controversial hindi lamang sa larangan ng pag-ibig kundi sa larangan din ng paghawak sa milyon-milyong halaga ng salapi na galing sa pawis ng mga residente ng Quezon City.
Si Bistek ay bata nina Speaker Sonny Belmonte at executive secretary Paquito Ochoa, mga miyembro ng tuwid na daan ng liberal Party.
Pero ayon nga sa kasabihan, blood is thicker than water kaya lintik lang ang walang ganti.
Sa isang banda naman, maiiyak ka talaga kay Kris na ayon sa iba ay napaka tactless.
At tasteless pa, sabi naman ng ilan.
Para ba siya ang laging naghahanap ng lalaki, ang ganda pa naman niya.
Ang haba ng listahan ng mga ex ni Kris, kasing haba pa yata ng listahan ni Janet Napoles.
Nariyan si Robin Padilla at nariyan din si Richard Gomez.
Of course, may tsismis din na naging syota ni Kris si Gabby Concepcion at isang sikat na broadkaster.
Naging ka-live-in din niya si Ipe Salvador, si Joey Marquez at asawa si James Yap.
Hindi lang madugo ang kanilang mga kabanata; puno pa ng drama at violence.
May barilan pa at kung ano-ano pang pangyayari.
The post TAPOS KA KAY NOYNOY, BISTEK appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment