Wednesday, July 30, 2014

3 lagas sa ambush sa Batangas

PATAY ang tatlong magkakamag-anak at habang isa ang malubhang nasugatan nang tambangan ng hindi kilalang armadong lalaki sa Tanauan, Batangas nitong Miyerkules ng hapon, July 29.


Sa ulat, pauwi na mula sa babang-luksa sa Calamba ang nasa sampung magkakamag-anak na sakay ng jeep ala-1:00 ng hapon, kahapon.


Pagsapit sa Barangay Laurel sa Tanauan, dalawang lalaki ang agad bumaril sa jeepney driver na si Juan Visaya.


Nang tumigil ang jeep, tinangkang tumakas ng isa sa mga sakay na si Pedro Oruga na agad namang pinagbabaril ng mga suspek.


Umakyat ang mga suspek sa jeep at harapang pinagbabaril ang mga sakay nito na tinamaan ang dalawa pang nasawi.


Patay ang kapatid ng drayber na si Sophia Visaya habang natamaan din ang pinsan ng drayber na si Valeria Visaya, na nasa kritikal ngayon na kondisyon.


Naisugod pa sa ospital ang magkapatid na Visaya ngunit hindi na naisalba pa ang buhay ng mga ito.


Agad na tumakas ang mga suspek tangay ang mga gamit at pera ng mga pasahero.


Ayon sa anak ng drayber na si CJ, wala silang naiisip na dahilan para gawin ito sa kanilang pamilya.


Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung sinu-sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa likod ng pamamaril na ito. Makakasuhan ng multiple murder ang mga suspek. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



3 lagas sa ambush sa Batangas


No comments:

Post a Comment