MARIING itinanggi ngayon ng kampo ni dating Pangulo at ngayon’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na may niluluto silang kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Magugunitang ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes IV na may natanggap siyang impormasyon na may ilang retiradong heneral na malapit sa pamilya Arroyo ang nagre-recruit sa mga aktibong sundalo bilang paunang hakbangin para maglunsad ng distabilisasyon laban sa kasalukuyang pamahalaan.
Ayon sa abogado ni Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Trillanes.
Pinasaringan pa ni Topacio si Trillanes na walang alam sa kudeta dahil hindi nagtagumpay ang inilunsad nitong kudeta laban sa Arroyo administration noong 2003 Aokwood mutiny. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment