Wednesday, July 30, 2014

Hirit na supplemental budget, hinihimay pa

INAALAM pa ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang halaga ng hihilingin nilang supplemental budget sa kongreso.


Ito’y makaraang ihayag ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang SONA na naglalayong maipagpatuloy ang mga sinimulang proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng noo’y Disbursement Acceleration Program (DAP).


Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch Abad, kasalukuyan pa nilang iniimbentaryo ang mga estado ng mga proyekto sa ilalim ng DAP at kanilang hihingan ng ulat ang mga concerned agencies sa lalong madaling panahon.


Gayunman, nauna nang nagpahayag ng suporta ang kamara sa madaling pagpapasa ng panukalang supplemental budget upang masigurong maipagpapatuloy ang mga proyektong nasimulan na ng DAP. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Hirit na supplemental budget, hinihimay pa


No comments:

Post a Comment