KUNG tatanungin mo sina Butch Abad at amo niyang si PNoy, aba, masaraaaaaaaaaaaaap na masaaaaarap…walaaaaaaaaang kasingsarap.
King-ina, bilyon-bilyong pisong salaping bayan ba naman ang pupwede nilang paglaruan gaya ng natagpuan ng Supreme Court.
Higit pa, may halong misteryo kung saan-saan dinadala ang mga pondo ng DAP.
Gaya na lang ng P90-bilyong diperensya mula sa nasa P352.7 kabuuang DAP.
Gusto kung tumawa, parekoy, pero hindi ko magagawa sa laki ng kababalaghan dito. Grrrrrrr!
Dahil walang kasingsarap ang DAP, gusto ngayon ng mag-amo na gawing ala-DAP ang buong badyet ng Pilipinas para sa taong 2015.
Panukala ng mag-amo na linawin ang salitang “savings” o natitipid ng pamahalaan mula sa lahat ng mga ahensya, proyekto at programa nito.
Pero hindi basta paglilinaw ang gusto nilang mangyari, parekoy. Dapat umanong magkaroon ng batas para madukot kaagad nina PNoy ang pondo ng isang ahensya o proyekto o programa sa kalagitnaan ng taon.
Kaiba ito sa karaniwang tadhana sa pambansang badyet na para sa isang taon ang badyet at hindi para sa kung ilang buwan lamang. Ito’y para raw magamit nang todo sa taon ng aprubadong badyet ang salaping bayan.
Hindi raw pupwedeng patulugin ang salaping bayan sa pag-aantay ng katapusan ng taon o dalawang taon bago may masabing savings o natipid ang pamahalaan.
May nakikita tayo rito na hindi nila sinasabi, parekoy, ang palapit ng halalang 2016.
Una, dapat na magamit lahat ang salaping bayan na nakalaan sa 2015 upang tiyak ang kita ng mga hijo de putang gustong magkapera sa salaping bayan para sa halalang 2016..
Ikalawa, pwedeng ideklarang mabagal o walang silbi ang mga panukalang proyekto ng mga kalaban sa politika ng grupong PNoy at ibuhos ito sa mga peborit na proyekto at programa nila.
Dito magmumukhang inutil ang mga kalaban habang lalabas na bida ang mga KKK ni PNoy.
Ngayon nga lang, eh, balita nang pinakikilos ang maraming lokal na opisyal na magtayo ng mga programa at proyektong para sa 2016.
Presto, mga pogi at seksi ang mga hijo de putang ito sa 2016 at magpatuloy ang tiyak ang mga misteryo at milagro sa DAP. Pwe! BURDADO/Jun Briones
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment