ISA ang sugatan habang nawalan naman ng suplay ng kuryente ang poste ng Manila Electric Company (MERALCO) nang salpukin ng isang trailer trak sa Quezon City kaninang madaling-araw, Hulyo 30.
Isinugod sa pagamutan sanhi ng tinamong pinsala sa katawan ang pahinante ng trak na hindi nakuha ang pangalan.
Inihahanda naman ng awtoridad ang kasong damage to property laban sa tumakas na hindi nakikilalang truck driver na ngayon ay tinutugis na para pananagutin sa insidente
Bukod naman sa pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar, nagdulot din ng mahabang brownout sa mga residente.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:40 ng madaling-araw sa may San Mateo-Batasan Road.
Bago ito, sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan ay tinatahak ng 14-wheeler truck ang palusong na bahagi ng nasabing kalsada nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber nito.
Ayon sa nakasaksi, iniwasan ng naturang drayber ang kasalubong na sasakyan kaya sumalpok sa poste.
Kinukumpuni na ngayon ng mga contractor ng Meralco ang dalawang posteng naapektuhan ng aksidente.
Nagpatupad naman agad ng counterflow ang kapulisan sa kalsada para maibsan ang bigat ng trapiko. Robert C. Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment