Kita mo na, PNoy?
Noong panahon ng pagdinig sa kaso ng Priority Development Assistance Fund, panay po ang depensa ninyo rito.
Naboldyak ka.
Unanimous ang boto laban sa PDAF bilang unconstitutional. Labag sa 1987 Constitution na pinagawa ng inyong nanay na si Cory.
Ngayon naman sa Disbursement Accelaration Program, boldyak pa rin si PNoy.
Hak, hak, hak!
Gusto kong tumawa nang tumawa, parekoy.
Hak, hak, hak!
Pero ang higit kong ikinatatawa, eh, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi na kapani-paniwala ang Tuwid na Daan. Peke ito.
Mismong ang mga Hukom sa Supreme Court ang hindi naniniwala sa Tuwid na Daan.
Kung hindi, e, bakit unanimous ang mga desisyon nila laban sa PDAF at DAP na ipinaglaban ni PNoy at ng kanyang mga tsuwariwap sa ngipin sa ngipin at mata sa mata.
Pati ang mga iniupo ni PNoy na mga Hukom ay naging hindi kumbinsido sa Tuwid na Daan ukol sa PDAF at DAP.
Ibig-sabihin, parekoy, si PNoy, si Butch Abad at si Paquito Ochoa na taga-depensa ng PDSF at DAP at nagtataguyod ng Tuwid na Daan ay pawang mga bulaan.
Pero hindi lang bulaan dahil ang mga pondong ipinaglalabas ng mga ito na PDAF at DAP ay pawang mga inabuso at pinagnanakaw.
Ginawa pang insentibo ang PDAF at DAP sa mga kongresman na nang-impeach kay ex-Chief Justice Atong Corona at sa mga senador na gumawa ng paghuhukom kay Corona sa huli bilang guilty sa pagtatago ng “nakaw na yaman” umano.
Ngayon ay ‘di na tatawa, parekoy, sa pag-iisip kung ano-ano ang mga dapat na gawin sa mga hijo de putang nakinabang sa mga PDAF at DAP.
Sabi ng SC, dapat hanapin ang lahat ng mga tumanggap ng PDAF at katulad nito simula pa nang Pangulo si Madam Cory.
Walang nangyayari rito at wala ni taga-Palasyo, Kamara at Senado na nagsauli sa gobyerno ng kahit kusing na PDAF.
Ngayon, eh, marami rin ang nakinabang sa DAP.
King-ina, pustahan tayo, wala ring magsasauli ng DAP kahit singkong duling!
The post ZERO VOTE SI PNOY SA DAP AT PDAF; TUWID NA DAAN PEKE appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment