KUNG sa akala ninyo, parekoy, ay narendahan na si PNoy at kanyang mga KKK sa paghawak ng pondong bayan dahil sa desisyon ng Supreme Court laban sa Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program, diyan kayo nagkakamali.
King-ina, buhay na buhay ang PDAF at DAP.
Simple lang ang paliwanag, halimbawa, ni Chiz Escudero ukol sa PDAF. Ang labag lang sa Konstitusyon ay ang pakikialam o paghawak ng implementasyon ng PDAF ng mga mambabatas dahil labag nga naman ito sa sinasabi ng Konstitusyon na ang Palasyo ang tagapagpatupad ng batas at hindi ang Kongreso na tagagawa ng batas lang ang trabaho.
Kaya nga, king-ina, bukas sa mga kongresman at senador ang magpanukala ng batas para sa mga peborit nilang proyekto na may kasamang badyet.
At ang kasunod nito, may kikbak pa rin sila riyan. Maaaring aabot pa rin sa P70-milyon kada taon ang pagkakaperahang proyekto ng isang kongresman at P200M ang senador. Grrrrr!
Paano ang DAP?
Heto nga’t pati ang hepe ng militar ay nangangampanya na dapat ipagtanggol ng mga sundalo ang DAP dahil dito raw nanggagaling ang kanilang mga pagkakataon na magiging moderno at makapangyarihan.
Ito’y makaraang magkaroon ng bagong liderato ang militar na nagsabing “huwag sasali sa pulitika ang mga sundalo”
Hindi pa natutuyo ang laway ng liderato sa pagsasabing dapat maging non-partisan o neutral sa pulitika ang mga sundalo, naririyan na ang kautusang dapat ipagtanggol nila ang DAP?
Ano ‘yan, ha!
Pero sa ligal na usapin, hindi pa pinal ang kautusan ng SC sa DAP, lalo’t may motion for reconsideration ang Palasyo.
Kaya pupwedeng ipagpatuloy ng Palasyo ang DAP, lalo’t hindi naman sinabi ng SC na ang DAP mismo ay unconstitutional kundi ang ilang pinaggagagawa nina PNoy, Abad at Purisima rito.
Kaya nga, buhay na buhay ang PDAF at DAP at, dahil dito, walang duda na may magpapatuloy sa pandurugas o pagnanakaw sa salaping bayan…para sa sarili, politika at iba pa.
May isang mahalagang development nga lang, nakakonsentra sa kamay ng Pangulo ang paghawak sa pondo ng PDAF at DAP at pupwedeng magamit ang kapangyarihan nito para pilayin ang mga kalaban at protektahan at isulong ang interes ng mga kakampi nito, sa 2016 lalo na.
Kita n’yo na ang misteryo at milagro sa PDAF at DAP? BURDAD/Jun Briones
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment