Wednesday, July 30, 2014

Kelot natalo sa sugal, nagbigti

NAGPATIWAKAL ang isang construction worker matapos umanong matalo sa sugal sa kanilang bahay sa Project 4, Quezon City kaninang umaga, Hulyo 30, Miyerkules.


Kinilala ang biktima na si Ramil Villanueva, 29, ng PUD Site, Brgy. Escopa III, Project 4, QC.


Ayon sa ulat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detention Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ng anak at kapatid ng biktiima ang bangkay ng huli sa loob ng kuwarto nito dakong 7:30 ng umaga.


Nabatid na bago ang insidente ay nagkaroon muna ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at kinakasama nitong si Daniela Alesna matapos matalo ng P800 sa kara y krus ang biktima.


Dahil dito, ini-report ni Alesna ang nangyari sa biktima sa kanilang Barangay Hall upang humingi ng Barangay Protection Order.


Matapos ang ilang oras, dumating ang anak ng biktima at kapatid nito sa barangay hall at sinabing nagbigti ang biktima. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot natalo sa sugal, nagbigti


No comments:

Post a Comment