Wednesday, July 30, 2014

SONA NI PNOY

INABANGAN ng milyong Juan at Maria ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino noong nakaraang Lunes, Hulyo 27.


Tulad ng inasahan, muli ay walang ipinagkaiba ang SONA sa nakaraang mga SONA ng Pangulo dahil ‘replay’ lang naman ang kanyang mga pinagsasabi.


Inisa-isa ang mga nagawa ng kanyang pamahalaan, bagay na paulit-ulit nang napakinggan nina Mang Juan at Aling Maria.


Pero sa rami ng accomplishment ng administrasyon ni PNoy, bakit daw hindi naramdaman ng mga Pinoy, lalo na ang mahihirap?


Dahil makalipas ang apat na taon, ang pangakong maiibsan ang paghihirap ng maraming Juan at Maria ay ‘di naman daw nangyari.


Gumanda nga raw ang takbo ng ekonomiya, pero lalo namang naghirap ang mga Pinoy dahil sa sobrang taas ng mga bilihin.


Tulad halimbawa ng bigas na noong nakaraang administrasyon ay nabibili ng P18 per kilo lamang.


Ang bigas ay napakahalaga dahil kung ito’y sumobra ng mahal katulad ng nangyayari ngayon, aba’y malaking problema dahil marami ang magugutom.


Sa sobrang taas kasi ng halaga ang bigas, ‘di na nagagawang kumain ng maraming Juan at Maria ng tatlong beses sa isang linggo.


Bukod sa bigas, nakakamatay rin ang sobrang taas na presyo ng iba pa tulad ng gulay, karne at iba pa.


Paktay kang bata ka, ika nga ng aking kaibigang Tsinoy.


Dahil mahal ng kanyang mga itinitinda, wala na raw bumibili, paktay rin daw ang kanyang negosyo.


Kaya kumbaga, ‘di lang mga mamimili ang nagrereklamo dahil pati mga negosyante ay nagrereklamo na rin dahil ‘di nabibili ang mga paninda.


Kumpara sa nakaraang mga SONA, ang pagkakaiba ng SONA ngayon ay ang pagkaka-deliver ni PNoy na may halong emosyon…’yon lang.


May natitira pang SONA si PNoy bago nito iwanan ang puwesto na ipinagkatiwala at ipinagkaloob sa kanya ng sambayanan noong halalang Mayo 2010.


Maririnig pa kaya ang mga paulit-ulit na naririnig sa kanya tuwing SONA?


Malalaman natin ‘yan sa Hulyo 27, 2015. CHOKEPOINT/Bong Padua


.. Continue: Remate.ph (source)



SONA NI PNOY


No comments:

Post a Comment