PINAGHAHANAP ang isang 60-anyos na lalaki na nahararap sa kasong statutory rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Act dahil sa paratang na pangmomolestiya ng isang walong-taong-gulang na babae.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Ella” habang ang suspek ay si “Inggo”, ‘di tunay na pangalan na tumakas matapos ang pang-aabuso sa bata.
Ipinahayag ni P/Insp. Essem Galiza, hepe ng Women and Children Protection Desk ng Cauayan City Police Station na si Ella at dalawang kapatid ay iniwan ng kanilang ina sa bahay ng kanilang lola sa isang barangay sa lungsod.
Nilapitan umano ng suspek ang bata at sinabihang tanggalan siya ng puting buhok.
Dahil nakitang tulog ang dalawang kapatid ay sumama ang bata sa matanda ngunit bigla umanong hinalikan at hinawakan ng matanda ang maselang bahagi ng katawan ng bata.
Di pa nakontento ang matanda, ipinasok pa niya ang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng biktima.
Nagpumiglas at umiyak si Ella kaya narinig ng kanyang lola at tinanong kung bakit siya umiiyak.
Dahil pinagbantaan siya ng matanda ay hindi nagsumbong ang bata sa kanyang lola hinggil sa ginawa sa kanya ng suspek.
Matapos nito ay nilagnat ang bata dahilan para dalhin sa ospital at nang suriin ang nalamang meron itong Urinary Track Infection (UTI) kaya natuklasan ang ginawang pangmomolestiya sa bata. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment