ARESTADO ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na tinaguriang ‘pulis torture’ matapos ireklamo ng kanyang helper sa Maynila kagabi.
Nahaharap sa kasong Physical Injuries in Relation to anti-Torture Act of 2009; Arbitrary detention; Unlawful Arrest at Illegal Possesion of Firearm si PO3 Glenn Bullecer, nakatalaga sa PNP-Cainta, ng Building 10, Unit 1, Safari Condominium, San Andres Bukid, Maynila.
Naaresto ang suspek matapos magreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang biktimang si Jonathan Daquiz, 24, ng 3650 Davila St., Tejeros, Makati City.
Ayon sa biktima, naganap ang insidente alas-11 ng gabi kamakalawa matapos na magpaalam ang biktima na aalis na sa kanila at kinukuha na ang 1 buwan na suweldo.
Nagalit ang suspek at pinagsalitaan siya na, “Baka makapatay ako ng tao”, dahilan para umalis na lamang ang biktima at hindi na kinuha ang kanyang suweldo.
Pagbalik naman ng biktima, ay sinugod siya ng asawa ng pulis at pinagsisipa gayunman, hindi rin ito pinansin ng biktima at lumayo na lamang ito.
Nang makasalubong ang pulis ay bigla na lamang ito pinosasan saka kinaladkad at isinakay sa kotse kung saan doon na siya pinagsusuntok, kinuryente at tinutukan ng baril.
May apat na oras umano sa loob ng kotse ang biktima hanggang dalhin siya sa MPD-Police Station 6 pero walang naikaso sa biktima kaya pinalaya at dito na nagpasama sa isang residente sa kanilang lugar ang biktima para magreklamo sa pulisya.
Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga tauhan ni PC Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS at naaresto ang suspek alas-8:00 ng gabi, kamakalawa sa kanilang bahay.
Iniimbestigahan naman ang pulis sa nabanggit na tanggapan ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment