SINIBAK na sa puwesto ang duty jailer at warden ng Bureau of Jail Mangement and Penology (BJMP) makaraang makatakas ang limang preso sa Taytay, Rizal
Apat na lalaki at isang menor-de-edad ang nakapuga sa Taytay, Rizal Municipal Police Station nitong Lunes ng madaling-araw.
Kabilang sa mga nakatakas ay kinilalang sina Florendo Ocampo, 36; Henry De Leon, 28; Christian Lipar; Jonathan Ruiz at isang menor-de-edad.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nasa loob ng investigation room ang duty jailer na si PO2 Manuel Fang-Asan, pumasok sa opisina nito ang menor-de-edad at kinuha ang duplicate keys ng selda.
Hinala ng pulisya, binuyo ang menor-de-edad kaya pinatakas ang iba.
Agaran namang isinagawa ang manhunt operations naaresto ang mga nakatakas maliban kay Lipar.
Samantala, sinibak na ang duty jailer maging ang warden na si SPO1 Federico Pampuan. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment