ITINUTULAK ngayon ni Senator Tito Sotto ang pananatili sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ng tatlong senador na nasasangkot sa pork barrel fund scam hanggang sa madesisyunan ng Sandiganbayan ang kaso laban sa mga ito.
Sa panukalang Senate Resolution Number 798, hiniling ni Sotto na manatili sina Senator Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa kanilang piitan sa Camp Crame upang malayang makapagtrabaho ang mga ito bilang mga mambabatas na halal ng bayan.
Binigyang-diin pa ni Sotto ang nasa Section 15 ng Article VI ng konstitusyon na nakasaad na ang senado lamang ang maaring magdesisyon kung paano madidisiplina ang mga miyembro nito.
Samantala, sinuguro naman ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Chiz Escudero na magpapatuloy pa rin sa sesyon ang senado sa kabila ng pagkakakulong ng tatlong miyembro nito. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment