KAPAG nagkagitgitan, iba-buy-out (bibilhin) ni Henry Sy, Jr. ng SM ang 40% share ng State Grid of China Corp. sa National Grid Corporation of the Philippines.
Ito Ang Totoo: tiniyak ni Atty. Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP, sa tanong natin kaugnay ng impluwensya, kung hindi kontrol, ng bansang China sa power supply ng Pilipinas dahil sa malaking share nito sa NGCP.
Alam naman nating lahat na tumutulo ang laway ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippines Sea at may mga inokupahan na nga ang walang kabusugang magnanakaw tulad ng Scarborough o Panatag Shoal kung saan dati nangingisda ang mga kababayan nating taga-Zambales.
Ang SGCC ay pag-aari ng bansang China kaya dapat lang maalarma ang mga Pinoy sa abnormal na sitwasyong may kalabang nagmamay-ari ng napakahalagang power suplay ng bansa.
Nakausap natin ang mga opisyales ng NGCP sa isinagawa nilang “Power Briefing” sa local media sa Olongapo, Subic Freeport at Zambales kamakailan lang.
Ipinaliwanag ng NGCP officials na ang mga linya ng kuryente ng NGCP ang nagsisilbing highway kung saan dumadaan ang kuryenteng binibili ng mga retailer, tulad ng mga kooperatiba, Meralco at OEDC (Olongapo Electric Distribution Company) sa Olongapo.
Ito Ang Totoo: kapag sumablay ang NGCP, halimbawa, sa maniobra o sabotahe ng China, yari ang mga Pinoy sa maraming bagay at aspeto at maluwag na magagawa ang madilim na pagnanasa nito.
Naniniwala tayo na ang mga Pinstik (Pinoy na Intsik) ay kakampi natin dahil malaking bahagi sila ng lipunang Filipino at kahit may ugat sa bansang China, Pinoy na sila sa puso’t diwa.
***
BABAWIIN ng Olongapo City Government ang 10% na share nito sa Subicwater, ang kompanyang nagsu-supply at nangangasiwa sa supply ng tubig sa Olongapo City at Subic Freeport.
Ibinenta kasi ni dating Mayor James “Bong” Gordon sa P210M ang share ng lungsod sa Subicwater at dapat sagutin niya ito ang pamangkin niyang si Jimmy Lorenzana.
Ayon kay Mayor Rolen C. Paulino, dahil sa pagbenta ng shares ng lungsod, nawalan ng boses ang mga taga-Olongapo sa napakahalagang aspeto ng pang-araw-araw na buhay, ang kanilang suplay ng tubig.
Ito Ang Totoo: kahit walang pera ang Olongapo dahil sa iniwang mahigit P5B utang ng administrasyon ni Gordon, ipapangutang ni Paulino ang P210 M pambawi sa Subicwater shares ng lungsod at ang ipambabayad sa utang ay manggagaling mismo sa kinikita ng shares hanggang mabayaran nito ang kabuuang loan.
Good move, Mayor Paulino! Ito Ang Totoo!
The post KURYENTE AT TUBIG SA OLONGAPO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment