NAIHAWLA na ang isang buwaya na halos kasinglaki ni Lolong sa Palawan kaninang madaling-araw, Hulyo 30.
Ang higanteng buwaya na may habang 16.3 talampakan at lapad na dalawang talampakang ay nahuli ng mga residente ng Sitio Marabahay, Barangay Rio Tuba sa Bataraza, Palawan dakong 1:00 ng madaling-araw.
Bago ito, naramdaman ng mga residente na may kumalampag na bagay sa ilalim at gilid ng kanilang bahay.
Nang kanilang silipin, tumambad ang buwayang tila gutom na gutom at naghahanap ng makakain.
Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang may anim na residente at agad na gumawa ng paraan para masilo ang naturang buwaya.
Bagama’t natagalan at nahirapan, nahuli rin ang naturang buwaya sa pamamagitan ng paglalagay ng malaki at matibay na lubid sa bibig, paa at kamay nito.
Wala namang nasaktan sa paghuli ng buwaya nasa maayos din na kondisyon.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Gilbert Baaco, ang pagkahuli sa nasabing buwaya ay tanda ng pagkaubos ng makakain nito sa kanilang tirahan.
Ibibiyahe naman agad patungong crocodile farm ang buwaya sa tulong ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC).
Inaalam din kung ito ang buwayang sumakmal sa isang residente sa lugar noong nakaraang Mayo.
Matatandaan na na ang sukat ni Lolong, na tinaguriang pinakamalaking buwaya na nasa kustodiya ng tao ay umabot ng 20. 3 talampakan pero namatay ito noong Pebrero 10, 2013. Robert C. Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment