KUMPIRMADO nang bibisita sa bansa si Pope Francis sa 2015.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Manila Archbishop Cardinal Tagle na darating sa bansa ang Santo Papa sa Enero 15 at mananatili hanggang Enero 19.
Didiretso ang Papa sa Pilipinas matapos ang kanyang pagbisita naman sa Sri Lanka mula Enero 12 hanggang 15.
Partikular na bibisitahin ng Santo Papa ang mga biktima nang kalamidad sa Visayas.
Ang petsang napili ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay kaparehong petsa nang magtungo dito si Pope John Paul II para sa World Youth Day noong 1995.
Sinabi ni Cardinal Tagle na posibleng sa Metro Manila lalapag ang eroplanong sasakyan ng Santo Papa at aalis din ito pabalik ng Vatican.
“Let us show Pope Francis who are Filipinos,” ayon kay Cardinal Tagle.
Ilalabas naman ang buong detalye ng pagbisita ng papa sa Bansa bago matapos ang taong 2014. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment