Wednesday, July 30, 2014

Ikakasal na si Derek Ramsay!

DOBLENG hirap ang dinanas nitong mga nakaraang araw ng bida nang Dading na si Gabby Eigenmann.


Una nahirapan ito sa taping ng teleserye roon sa eksenang gagawin na nakasuot ng swimsuit dahil kasali siya sa beauty contest. Natural, kapag lalaki ang nagsusuot ng ganitong klase ng attire ay kailangan maitago ang bukol. Hindi lamang daw kasi singlaki ng santol ang bukol ni Gabby kundi comparable sa mangga. Hahahahahahahahaha!


Ang ginawa raw ni Gabby ay itinago niya ang kanyang tarugs sa pamamagitan ng pagtali o. Dios te Salve Maria tu eres de Gracia, ang sakit nga nu’n. Imagine, inabot ito ng mahigit na anim na oras at takang-taka siya na ang mga beking kasali sa nasabing beauty contest ay relaks na relaks lang gayung pare-pareho naman silang meron tarugs.


Alam mo Gabby, ang mga bakla ay maparaan ang mga iyan. Sanay na sanay na sila ng ganyan at hindi na nila iniinda ang anomang sakit.


Anyway, ang ikalawa niyang pagdurusa ay ang pagpapa-opera niya ng kanyang gall bladder na nagkaroon ng bato. Sobrang sakit na nga iyon dahil nagkaroon din ako ng bato sa apdo na kasing laki ng rosary beeds. Maraming nakita sa ultrasound. Mabuti na lang ang sa akin ay natunaw dahil sa pag-iinom ko nang pinakuluang dahon ng guyabano.


Mga sampu ring mga bato ang naalis sa gall bladder ni Gabby at kasing laki na raw ng buto nang sampalok. Ngayong wala na itong gall bladder at nawalan na siya ng pantunaw ng pagkain, sa kabila nu’n, habang buhay na hindi na niya mararamdaman ang kirot na dulot ng bato. Ang sa akin naman, maaaring bumalik ito kapag meron akong makain na pagkain at maiinon na stone forming.


-0-


Bawal daw ang pangalan ni Derek Ramsay na mababanggit sa bakuran ng ABS-CBN kapag palabas ang trailer ng Trophy Wife at hindi lamang daw ‘yun, edit out daw ang mukha nito. Hanggang may galit pa sa kanya ang mga executives ng Dos. Just asking!


May sarili ring paraan si Derek na mag-ingay para mapag-usapan ang kanyang pelikula – ang pagsabi nito na magpapakasal na siya sa kanyang girlfriend na walang kinalaman sa showbiz. Alam naming iingay ito dahil mapag-uusapan ang kanyang paglagay sa tahimik. Iyon kung matutuloy ang pag-aasawa nito. Di ba balita noon dapat magpakasal na sila ni Angelica P. kaya lang hindi matuloy-tuloy dahil ito raw si Derek ay hindi pa annul sa una niyang asawa. Ciao Bambino! MEMORABILIA/Matuk Astorga


.. Continue: Remate.ph (source)



Ikakasal na si Derek Ramsay!


No comments:

Post a Comment