Wednesday, July 30, 2014

Mahigit 20 lugar sa Cebu, pineste ng langaw

NASA 27 barangay sa Bayan ng Asturias sa lalawigan ng Cebu ang inatake ng mga langaw na pinangangambahan ng mga residente rito.


Ayon kay Asturias Mayor Allan Adlawan, nagdulot na ito ng malaking perwisyo sa mga residente at katunayan ay humihingi na ng saklolo sa kanila ang mga ito dahil halos ‘di na sila makakain at makagawa sa loob at labas ng kanilang bahay.


Aniya, binalot na ng mga kulambo ang ilang kulungan ng baboy dahil nagkakasakit na rin ang ilang mga mamamayan sa lugar.


Sinabi ni Adlawan na maging ang ilang karatig-bayan ng Asturias ay dumaranas din ng ganitong problema.


Inaalam pa kung ano ang nagdala ng sangkaterbang langaw sa nasabing bayan.


Ginawan na rin ng paraan ng pamahalaan ang pag-i-spray ng inseticides sa naturang mga peste. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Mahigit 20 lugar sa Cebu, pineste ng langaw


No comments:

Post a Comment