Tuesday, July 29, 2014

Ama, walang pampabinyag kay bunso nagpatiwakal

ISANG padre de pamilya ang nagpatiwakal dahil umano sa kawalan ng perang pampabinyag sa kanyang bunsong anak sa Dasol, Pangasinan.


Patay na nang matagpuan ang biktimang si James Carlit Laureano, 34, ng Brgy. Magsaysay sa nabanggit na bayan sa labas ng kanilang terasa.


Laking gulat ng misis nitong si Gina Laureano, 34, nang makita ang mister na nakabitin at wala ng buhay sa kisame ng kanilang bahay.


Bago ito, nakipag-inuman pa ito umano sa kanyang mga kaibigan at ilang kaanak at nabanggit ang problema nito sa pera na pampabinyag sa bunso.


Ito umano ang pinaniniwalaang dahilan para magpakamatay ang biktima.


Nakatakda namang isailalim sa post mortem examination ang bangkay ni Laureano. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Ama, walang pampabinyag kay bunso nagpatiwakal


No comments:

Post a Comment