NOONG Hulyo 27, ang inyong lingkod ay namasyal sa Bacolod City at napadaan sa “Campuestohan Highland Resort” sa may Talisay, Negros Occidental. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala ko si Ralph Richard Tan, na mas kilala sa tawag na “Siote Tan”, ang nag-iisang anak ng dating National and Local government official Ricardo “Cano” Tan at “Bonita” Nita Tan.
Ang kanyang mga magulang ay mga lehitimong negosyante at marami siyang natutunan sapagkat palagi siyang nag-oobserba sa ginagawa ng kanyang mga magulang mula pa noong siya’y paslit lamang.
Sa halip na ilagay ang kanilang pera sa mas maraming kikitaing negosyo, inilaan na lamang ni Siote ang kanilang perang pangnegosyo, sa naturang highland resort sa Purok Campuestohan, Brgy. Cabatangan, Talisay City.
Ang Campuestohan Highland Resort, ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang lalong nya pagbutihin ang pagpapatakbo at personal niyang pinamamahalaan ang theme park.
Nakukuha pa niya na makisalamuha sa mga resort guest sa pamamagitan ng pagbati at pangungumusta sa mga ito. Kaya tunay na nasisiyahan ang bawat panauhin sa serbisyo at mga pasilidad na mayroon sila rito.
Si Siote Tan ay bahagi ng panukala, disenyo at konsepto sa pagkakaroon ng isang Top Tourist Destination ngayon sa naturang lugar at kinikilala ng Department of Tourism (DOT), walang iba kundi ang Campuestohan Highland Resort. Ang resort ay may 5-ektaryang lupain na animo’y nasa Disneyland ka, na matatagpuan sa Negros Occidental, na may malamig na klima at kung minsan ay nag-uulap, dahil ito’y nasa 2,400 above sea level.
Panahon na marahil na sana bigyan pansin ni Secretary Ramon Reyes Jimenez, Jr. ng Department of Tourism ang pagpapakilala sa Campuestohan Highland Resort. Ang pagpapaunlad nito ay magbubunga ng trabaho para sa ating mga kababayan, sapagkat, maraming turista ang papasok sa bansa at mananagana sa dolyar ang buong bansa. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment