Monday, July 28, 2014

Bakbakan pa sumiklab sa Sulu matapos ang pang-aambus

NASA halos 21 katao ang mga nasawi kasunod ng nangyaring ambush sa may Barangay Lower Talipao sa munisipyo ng Talipao, lalawigan ng Sulu.


Samantala, patuloy pa rin ang palitan ng putok sa pagitan ng mga bandido at ng tropa ng 2nd Marine Brigade sa bulubunduking bahagi ng Talipao na sumiklab matapos ang madugong ambush sa mga inosenteng sibilyan.


Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (WestMinCom), alas-8:30 kahapon ng umaga habang nakasakay sa dalawang tawaraw ang nasa 40 sibilyan nang tambangan ng nasa 50 mga armadong bandido na pinangungunahan umano ng dalawang ASG sub-leader na sina Idang Susukan at Sibih Pisih.


Unang binawian ng buhay ang 16 katao kung saan kabilang na rito ang ilang kasapi ng Barangay Police Action Team (BPAT) na binubuo ng anim na kalalakihan at 10 kababaihan.


Nasa 13 pang mga biktima na karamihan ay mga bata ay malubha ring nasugatan sa nasabing pananambang.


Nabatid na lima pang mga biktima kabilang ang ilang bata ang sunod na binawian ng buhay dahil sa mga grabeng tama ng bala sa katawan habang nasa 11 pa ang mga sugatan na ginagamot ngayon sa ospital sa Sulu. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Bakbakan pa sumiklab sa Sulu matapos ang pang-aambus


No comments:

Post a Comment