Tuesday, July 29, 2014

Malakanyang, nanguna sa pagbati ng Eid’l Fitr sa mga Muslim

PINANGUNAHAN ng Malakanyang ang pagbati sa Filipino-muslim community sa pagdiriwang ng mga ito ng kanilang Eid’l Fitr.


Sinabi ng Pangulong Benigno Aquino III na maraming naituro ang Islam sa mga kapatid na Muslim pagdating sa kahalagahan at prinsipyo na pangunahan ang pagkakaisa, karangalan at masarap na samahan.


“May this celebration of Eid’l Fitr be a time of thanks and praise to the Almighty for the strength and hope that He has blessed your community with, especially during the month of forgiveness, Ramadan. May this also be a reaffirmation of your faith as you prepare yourselves for the challenges that may arise in our rapidly shifting milieu; may you always be enlightened by the teachings of Islam that hold true to the collective conscience of the Filipino people,” ayon kay Pangulong Aquino.


Ipagpapatuloy aniya niya ang pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.


Ang kamakailan aniyang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ang nagpatunay na kahit na anumang hindi pagkakaunawaan na naharap ng bawat isa ay nananatili naman ang iisang layunin ng lahat at iyon aniya ay ang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan.


“We remain one nation bound by a common dream: A new era of peace that will redound to the upliftment of the lives of our kababayans. Let us sustain the gains of positive reform and be steadfast stewards of unity and development in our society,” ani Pangulong Aquino sabay sabing “I wish you a happy and meaningful Eid’l Fitr.” Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, nanguna sa pagbati ng Eid’l Fitr sa mga Muslim


No comments:

Post a Comment