TINALO ng Perpetual Help Altas ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 78-62, kahapon sa 90th NCAA basketball tournament na ginanap sa The Arena sa San Juan City.
Balik sa dating porma ang Altas at naputol ang two-game skid nila ng kumana ang tinanghal na best player of the game na si guard Juneric Baloria ng 23 points, nine rebounds at limang assist at isampa ang Perpetual sa solo third place sa team standings hawak ang 4-2 win-loss record.
Nahirapan ang Pirates sa ipinakitang tikas nina Altas starting unit Baloria, Earl Scottie Thompson, Harold Arboleda at Justine Alano at nahinto ang kanilang three-game winning streak.
Bumanat agad sina Arboleda at Thompson na pumukol ng tres habang tumapos ng three-point play si Joel Jolangcob para ilista ang 12-4 start.
Lamang ang Perpetual, 15-11, at sa kaagahan ng second canto ay bumaon agad ng tres si Arboleda habang umiskor sa transition si Thompson at Baloria para palobohin ang lamang nila sa 11, 24-13.
Umabot pa sa 15 pts. ang lamang ng Altas, 44-29, matapos isalpak ni John Ylagan ang three-pointer may 8:21 pa ang natitirang oras sa third period.
Bumira si Alano ng 15 markers habang may tig-13, 10 at siyam na puntos sina Alano, Thompson at Jolangcob ayon sa pagkakahilera.
Sinubukang makadikit ng Pirates sa third ng bumira si Wilson Baltazar ng pitong sunod na puntos para pangunahan ang koponan sa 9-0 run at ibaba ang hinahabol sa anim na puntos, 44-38.
Sinalto nina Alano at Jolangcob ang asam na makabalik sa laro ng Lyceum matapos isalpak ng three-point plays para sa umabot muli sa double-digit ang abante ng Perpetual, 50-38.
Dumikit ang LPU, 70-62, tangan ng Perpetual may 2:30 pa sa orasan subalit tumipa ng walong sunod na iskor ang Altas para biguin ang Pirates.
Naglagak ng 15 pts. sina Baltazar habang tig-12 puntos ang inambag nina Gabayni at Guy Mbbida para sa Intramuros-based squad Lyceum.
Samantala, napintahan ng Letran Knights ang pangalawang panalo matapos kaldagin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 63-61.
Umarangkada si Kevin Racal ng 19 markers at 11 rebounds upang itarak ang 2-4 baraha ng Letran at ipalasap sa Generals ang pang-limang sunod na talo sa anim na laro. Elech Dawa
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment