ISA nang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa may bahagi ng Aparri, Cagayan.
Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na alas-8:00 ng Martes ng umaga nang maging tropical depression ang naturang sama ng panahon.
Huli itong namataan sa layong 870 kilometers (km) silangan ng Aparri taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 km per hour (kph) malapit sa gitna at gumagalaw pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Sa ngayon, hindi pa direktang nakakaapekto si Inday sa alinmang panig ng bansa kaya wala ring nakataas na babala ng bagyo.
Ayon pa sa PAGASA, hindi nakikitang tatawid ng kalupaan ang bagyo.
Sa Huwebes ng gabi, inaasahang makakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) si Inday patungong Japan. Robert C. Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment