PATUNG-PATONG na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pitong kataong nasa likod ng malawakang illegal recruitment sa Cagayan de Oro.
Kabilang sa isinampang kaso laban sa mga respondents ay ang paglabag sa republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipino Act 1995 at paglabag ng Article 315 of Revised Penal Code o estafa.
Ayon sa NBI-Region 10, kinasuhan sina Mohammmed Khan Benjamin Anderson alyas “Ahmad Hatanon Astalul”, Maria Ruth Salagantin, Jennifer Masiado, Rosalie Fabros, Mary Joy Neri at Mario Anthony Neri matapos maghain ng pormal na reklamo ang lima sa mahigit na 100 professionals na nabiktima ng ng mga suspek na pawang taga-lungsod.
Ayon kay NBI-10 Deputy Regional Director Atty. Patricio Bernales, Jr., nagsilbing utak sa sindikato si Anderson, kasabwat ang iba pa.
Napag-alaman na pinangakuan umano ng suspek ang mga biktima na makapagtrabaho sa Austalia at Malaysia nito lamang Abril subalit pagdating sa Australian Embassy ay naharang ang mga biktima dahil peke ang kanilang transaksyon.
Mahigit sa P4-milyon naman ang nalustay na pera mula sa mga biktima.
Hindi na rin umano nagpakita pa ang mga suspek nang matuklasan ng mga biktima na illegal recruitment ang kanilang napasok. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment