NAGLABAS ng abiso ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko partikular na ang mga residente ng lungsod ng ParaƱaque na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko simula sa darating na Sabado, Agosto 2, dahil sa gagawing pagsasaayos at rehabilitasyon ng Sucat Interchange Bridge na tatagal ng 45-araw.
Batay sa ipinadalang sulat ni DPWH District Engineer Wilfredo Mallari kay ParaƱaque City Mayor Edwin L. Olivarez, kahapon ay nagsimula na ang naturang ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng “dry run” kung saan isinara nila sa mga motorista ang eastbound lane ng naturang tulay bago pa man ang nakatakdang pagsasara nito sa daratng na Sabado.
Inaasahan namang makukumpleto ang isasagawang rehabilitasyon sa naturang tulay sa Setyembre 15 ng kasalukuyang taon.
Samantala, inatasan naman ni Olivarez ang mga tauhan ng Traffic Management Office na pag-aralan nilang mabuti ang ipatutupad nilang “alternative routes” para sa mga maapektuhan ng nabatid na pagsasaayos ng tulay.
Ayon kay Olivarez, pinag-aaralan din nila ang pagpapatupad ng truck ban at color coding scheme sa kanilang siyudad upang malimitahan ang pagdagsa ng mga sasakyan lalo na sa mga maapektuhan ng naturang rehabilitasyon.
“We will also look into the possibility of imposing a truck ban and the implementation of a color coding scheme to reduce traffic volume in the affected routes to ease the burden on our commuters and motorists during the duration of the bridge repair,” paliwanag ni Olivarez. Jay Reyes
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment