Wednesday, July 30, 2014

No apprehension policy’ sa mga truck, pinalawig pa

PINALAWIG pa ng isang buwan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang no apprehension policy nito sa mga hindi lisensyadong mga truck for hire.


Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ito’y upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga truck operator at maiwasan ang tigil-operasyon ng mga ito dahil sa kawalan ng permit.


Sa ipinalabas na kautusan, magtatagal ang extension hanggang Agosto 29 ngunit hanggang Agosto 22 lamang tatanggap ng aplikasyon para sa provisional authority.


Matatandaang naglabas ng Joint Administrative Order ang LTFRB, LTO at DOTC kaugnay sa pagpapataw ng mas malaking multa sa mga colorum na sasakyan kasama na ang mga unlicensed truck for hire na naka-green plate. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



No apprehension policy’ sa mga truck, pinalawig pa


No comments:

Post a Comment