Wednesday, July 30, 2014

Pasaway na anak, dedo sa taga ng ama

BURGOS, PANGASINAN – Dahil lamang sa pagsaway sa utos, isang 31-anyos na lalaki ang pinagsasaksak ng kanyang sariling ama sa Burgos kahapon ng hapon, July 29.


Kinilala ng Burgos police ang biktimang si Sonny Rodolfo, ng Barangay Tambacan, ng nasabing bayan.


Samantala, kasalukuyan nang nakapiit ang suspek na si Nestor Rodolfo, ama ng biktima, ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon, dumating ang suspek sa kanilang bahay at inutusan ang biktima na kumuha ng gamit.


Sa puntong ito, hindi sumunod ang biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo.


Sa kanilang pagtatalo, kumuha ng patalim ang suspek at paulit-ulit na pinagtataga ang biktimang hindi na umabot nang buhay sa ospital. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Pasaway na anak, dedo sa taga ng ama


No comments:

Post a Comment