SABI ng iba, maraming pagkukulang daw ang gobyerno. Ngunit marami rin tayong dapat ipasalamat sa administrasyong Aquino.
Ako personally, ang pinapasalamat ko bilang Filipino ay ang kalidad at dedikasyon ng mga namumuno sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) at sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Dito, panalo si PNoy sa kanyang mga appointee.
Sa BCDA, dynamic duo ang tandem nina Chairman Rolando P. Gosiengfiao at CEO/President Arnel Paciano D. Casanova. Si Gosiengfiao ay isang Iskolar ng Bayan at cum laude pa ng Business Administration sa U.P. Diliman. Malawak din ang kanyang work experience sa labas ng bansa. Si Casanova naman ay U.P. Law graduate at ka-batch ng aming napakaabilidad na congressman sa Marikina na si Miro Quimbo. Produkto rin siya ng Kennedy School of Government ng Harvard. Nagtuturo siya sa Ateneo School of Government at aktibo siya sa Kaya Natin Movement on Good Governance, kasama sina namayapang Jesse Robredo, Grace Padaca at si Among Ed Panlilio.
Kakaiba ang BCDA ngayon dahil hinahabol at hinahabla nila ang mga nanloloko sa ating bansa.
Tulad na lang nang nangyari sa Camp John Hay. ‘Di nila talaga palalagpasin ang napakalaking utang ni businessman Bob SobrepeƱa.
Ang gaganda pa ng kanilang mga proyekto tulad ng Clark Green City, ang anim na ongoing projects ngayon sa SCTEx worth P207-million, ‘yung sa Poro Point, at marami pang iba.
Sa SBMA naman ay nagsa-shine itong si Chairman at Adminstrator Roberto Garcia. Unang stint ito ni Garcia sa gobyerno. Dati siyang President at COO ng Oriental at Motolite batteries. AIMM graduate itong si Garcia at sa La Salle nagtapos ng kolehiyo at sa Ateneo naman para sa high school.
Sa darating na Agosto 4 ay ire-release ng SBMA ang P93.7-milyon na LGU revenue shares para sa unang semester ng 2014 sa walong bayan na katabi ng SBMA. Ito ay ang Olongapo City; Subic, San Marcelino, San Antonio, at Castillejos sa Zambales; at mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, at Morong sa Bataan.
Commitment daw nila ito sa neighboring LGUs para naman mapabilis ang pag-unlad sa mga lugar na ito at para lalong makamit ng mga ito ang minimithing inclusive growth ni Pangulong Aquino.
Nawa’y sa ilalim ng pamumuno nina Garcia, Gosiengfiao at Casanova ay mas lalo pang mapaunlad ang SBMA at BCDA para mas malaki ang maiambag sa pondo ng pamahalaan. ABISO/Paul Edward P. Sison
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment