Wednesday, July 30, 2014

Mag-asawa pumalag sa holdap, 1 utas

UTAS ang isang lalaki makaraang manlaban sa mga holdaper habang mapalad na nakaligtas ang asawa nito sa Legaspi City kaninang umaga, Hulyo 30.


Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Nestor Beato Del Ayre, 52, habang nakaligtas ang asawa nitong si Zenaida, kapwa ng P2 Banquerohan, Legaspi City.


Tinutugis na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang mga suspek na pinaniniwalaang grupo ng mga holdaper na gumagala sa nasabing lungsod.


Sa ulat, papuntag palengke lulan ng tricycle ang mag-asawa nang tambangan ng apat na armadong kalalakihan sa bahagi ng Km 16 sa nasabing barangay.


Inaagaw ng mga suspek ang bag ni Zenaida at sinubukan namang pumalag ni Nestor ngunit siya’y binaril ng mga ito.


Agad namang tumakas ang mga suspek papunta sa bayan ng Manito matapos ang insidente. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-asawa pumalag sa holdap, 1 utas


No comments:

Post a Comment