NANANATILING malakas ang Bagyong Inday at wala pa ring direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas alas-5:00 Miyerkules ng hapon, huling namataan si Inday sa layong 605 kilometers (km) silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 km per hour (kph) malapit sa gitna at kumikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.
Ani Aldczar Aurelio, wala pa ring nakataas na babala ng bagyo sa anumang bahagi ng bansa dahil wala pa ring direktang epekto ang bagyo.
Ang Metro Manila, CALABARZON, Kabikulan, Cagayan Valley, Kanlurang Kabisayaan at ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan naman ay makararanas ng paminsan-minsang mga pag-ulan. Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment