Monday, July 28, 2014

2 todas, 2 sugatan sa kidlat sa Ilocos

BATAC, ILOCOS NORTE – Dalawang magsasaka ang patay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa bukid sa Batac City, sa nasabing lalawigan kahapon na hapon, July 28.


Dead-on-arrival sa Mariano Mariano Memorial Hostipal and Medical Center (MMMHMC) ang mga biktimang sina Joven Ratuita, Sr., 44, at Arnel Galiza, 30, ng Barangay Naglicuan, sa nasabing bayan.


Samantala, ang dalawang sugatan ay sina Nick Cornelio at Eddie Villanueva, kapwa ng nasabing barangay.


Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Leonardo Balon, isa ring magsasaka, papauwi na ang mga biktima galing sa pagsasaka ng kumulog ng malakas sabay kidlat.


Tinamaan si Ratuita at Galiza habang sina Cornelio at Villanueva ay sugatan dahil sa malapit sila sa kinaroroonan ng mga namatay.


Agad na isinugod ang mga biktima sa ospital ngunit dead-on-arrival sina Cornelio at Villanueva. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



2 todas, 2 sugatan sa kidlat sa Ilocos


No comments:

Post a Comment