Wednesday, July 30, 2014

Malakanyang, ‘di takot sa mga retiradong heneral

HINDI natatakot ang Malakanyang kung magsama-sama man ang mga retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghlunsad ng kudeta laban sa Aquino government dahil ang mga ito aniya ay ordinaryong mamamayan na lamang.


Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ang isa aniya sa component ng matagumpay na kudeta ay kapag nakumbinsing sumama ang mga nasa rank-and-file o men and women na aktibo sa serbisyo ng AFP.


Kaya nga, kung pangungunahan ito ng mga retiradong miyembro at opisyal ng AFP ay malamang na maging “flop” ito kampante ang Malakanyang na walang restiveness o ligalig sa hanay ng rank-and-file ng AFP dahil kahit bulong ay wala silang naririnig mula sa kasandaluhan.


Iyon ang dahilan kung bakit walang balak si Pangulong Aquino, bilang Commander-In-Chief na magsagawa ng loyalty check sa hanay ng aktibong miyembro at opisyal ng AFP dahil malabong magpa-impluwensiya ang mga ito sa mga retiradong heneral.


Bukod dito, hindi naman nagkulang si Pangulong Aquino na ibigay ang mga pangangailangan ng mga kasandaluhan.


“Primarily because the men and women in uniform do recognize that the reforms that have been instituted by President Aquino in respect of the military, in respect of all their—the needs that they have, especially when we came into government. Remember one of the most pressing concerns were the mission essential equipment. What are mission essential equipment? Combat boots, dilapidated combat boots,” ani Sec. Lacierda.


Binigyang-diin ni Sec. Lacierda na patuloy na tinutugunan ni Pangulong Aquino ang mga hinaing ng mga sundalo gaya ng pabahay at sahod.


Napagtagumpayan din aniya ang modernisasyon sa AFP at nagpapatuloy ito.


“And so, these are things which are not done in abstract. These are things which, if you were a soldier, you would recognize that this government is committed to uplifting us as well in making sure that we are provided the basic tools to defend the country. And that is what we’re doing right now,” ani Sec. Lacierda. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, ‘di takot sa mga retiradong heneral


No comments:

Post a Comment