Wednesday, July 30, 2014

13 todas sa tigdas sa Lanao del Sur

ISASAILALIM sa mass vaccination ang 9,000 bata dahil sa tigdas sa siyudad ng Marawi at Lanao del Sur.


Ito’y matapos naalarma ang local government units (LGUs) ng Marawi City at Lanao del Sur dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga batang tinamaan ng tigdas.


Ayon kay Dr. Alemader Minalang ng Department of Health (DoH) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), batay sa kanilang monitoring, umaabot sa 92 katao ang tinamaan ng tigdas.


Ayon kay Minalang, sa nasabing mga apektadong residente, 13 sa mga ito’y kumpirmadong binawian na ng buhay.


Inamin ni Minalang na mahihirapan rin silang masugpo ang sakuna lalo pa’t wala silang laboratoryo para sana sa sampling dahil kailangan pang ipapadala pa sa DoH Northern Mindanao.


Dagdag pa ng opisyal na huling silang nakatanggap ng testing kits noon pang 2002.


Kaugnay nito, hinikayat ni Minalang ang mga residente na tutugon sa ilulunsad na mass vaccination lalo na sa mga pamilyang mayroong maliliit na kabataan.


Napag-alaman na hinikayat rin nito na ang mga residenteng may sapat ng edad na iinom ng mga bitamina upang lalakas ang kanilang resistensya. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



13 todas sa tigdas sa Lanao del Sur


No comments:

Post a Comment