Wednesday, July 30, 2014

Walk-out sa SONA, kakastiguhin

HINILING ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa House Representative Ethics Committee na imbestigahan ang ginawang pagwo-walk out ng ilang mga militanteng kongresista sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.


Ayon kay Castelo, ang ginawa ng naturang grupo ay pambabastos hindi lamang sa Pangulo kundi maging sa grupong inirerepresenta ng mga ito.


Pinalagan naman ito ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, dahil karapatan nilang umayaw na makinig sa SONA ng Pangulo.


Kasama ni Ridon na nag-walk out sina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate, Luzviminda Ilagan at Emmie de Jesus ng Gabriela, Fernando Hicap ng Anakpawis at Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Walk-out sa SONA, kakastiguhin


No comments:

Post a Comment