Wednesday, July 30, 2014

Bagyong Inday, mas malakas – PAGASA

NAGING mas malakas ang Bagyong Inday habang nasa Silangan ng Hilagang Luzon.


Ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 610 kilometro sa silangan timog-silangan ng Basco, Batanes.


Taglay nito ang lakas na 55 kph, habang kumikilos nang pahilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.


Dahil dito, palalakasin ng tropical depression Inday ang hanging habagat at asahan ang buhos ng ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.


Maliban sa bagyong Inday, isa pang sama ng panahon ang nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).


Huli itong natukoy sa layong 2,000 kilometro sa silangang bahagi ng ating bansa at inaasahang papasok sa PAR sa mga susunod na araw. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Inday, mas malakas – PAGASA


No comments:

Post a Comment