Wednesday, July 30, 2014

Senado, tiniyak na walang mala-PDAF sa 2015 national budget

WALANG maisisingit na pondo na kahalintulad ng kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel sa paghimay ng Senado sa 2015 national budget.


“Ang ating system d’yan, the public and media will monitor the budget. We will assure and I will lead na wala pong makasingit na PDAF doon sa budget. Before the year ends, we will finish the budget,” pagtiyak ni Senate Pres. Franklin Drilon sa isang radio interview nitong Miyerkules.


Inaasahan ngayong araw, Miyerkules, na isusumite ng Malakanyang sa Kongreso ang P2.60-trilyong budget nito para sa susunod na taon.


Iginiit pa ng lider ng Senado na makaaasa ang taumbayan na walang mapapasamang pork barrel funds sa ipapasa na pambansang pondo para sa 2015.


Aniya, mismo ang Senado ang nagbuwag ng pork barrel system matapos na ideklara ng Korte Suprema na labag ito sa Saligang Batas.


“I can assure our people na walang maisisingit doon (2015 national budget) dahil ‘yan ay ipinagbawal na ng Korte Suprema,” ani Drilon.


Reaksyon ito ng senador sa harap ng mga pangamba ng ilang kritiko ng administrasyon na posibleng makalulusot pa rin ang pork barrel funds sa pagpasa ng 2015 national budget na itatago lamang sa ibang pangalan o tawag. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



Senado, tiniyak na walang mala-PDAF sa 2015 national budget


No comments:

Post a Comment