PATAY ang isang buntis, anak nito at pamangkin sa naganap na sunog ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Kinilala ang namatay na si Noriza Hilay na 8-buwang buntis; anak nitong si Paulo, 2; at pamangkin na si Hinata, 3.
Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag ng bahay nang sumiklab ang sunog.
Sinubukan pa umano nilang akyatin ang mga biktima ngunit sinalubong na sila ng apoy kaya hindi nila nailigtas ang mga biktima.
Nadamay din sa sunog ang katabing bahay.
Sinisilip ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilang electrical short circuit sa sunog. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment