Thursday, July 31, 2014

PULITIKA NI ALI

KUNG sino pa ‘yung hindi nabigyan ng komite, ‘yung hindi binibigyan ng pondo, ‘yung pinupulitika at iniipit sa City Council, aba’y siya pang mas naaasahan ng mga taga-Maynila sa oras ng biglaang pagkakataon at pangangailangan.


Ang tinutukoy po natin ay si Konsehal Ali Atienza ng ika-limang Distrito ng Maynila. Sa pananalanta ng bagyong Glenda sa mga taga-Baseco Compound, 1,600 pamilya ang naapektuhan.


Karamihan ay nagiba ang bahay at ilang araw na hindi nakapaghanapbuhay.


Dito nakita ang tunay na malasakit ni Ali, na kahit nag-iisa at walang kaalyado ay personal na nagtungo sa Baseco upang dalhan ng bigas ang mga pamilyang nasalanta ng bagyo.


Sa panahon ngayon, hindi biro ang mamudmod ng bigas sa mahigit libong pamilya para makakain sa tamang oras.


Sa dinami-rami ng mga konsehal sa Maynila, tanging si Ali at ‘yung isang Foundation ang nagmalasakit sa mga tao sa Baseco.


May binigyan pa siyang dalawang wheelchair at sinundan ng pag-spray ng anti-dengue upang maiwasan ng mga residente na magkasakit.


Hanggang ngayon ay nakahambalang pa ang mga basura at putol na kahoy sa ilang residential area sa Maynila. Wala man lamang mga konsehal na may mga komite na nagpapakita ng inisyatiba upang linisin o ipalinis ang maraming lugar sa Maynila na naapektuhan ni Glenda.


Sa kabila ng kawalan ng komite at kawalan ng pondo, para matulungan ang kanyang constituents halos mamalimos si Kon. Ali Atienza sa kanyang mga kaibigan upang matulungan ang mga nangangailangan.


Ang tanong tuloy ng ManileƱo, nasaan na ang mga ibinoto nilang konsehal na napakaraming magandang pangako sa kanila ng pagbabago at kaunlaran?


Saan nga nila dinadala ang daang libong pondo para sa kani-kanilang komite?


Kahit pinupulitika si Ali sa Maynila, ibang ganti ang kanyang ipinakikita—‘yung tunay na serbisyo. KANTO’T SULOK/Nats Taboy


.. Continue: Remate.ph (source)



PULITIKA NI ALI


No comments:

Post a Comment